Yes i am, si erpat kasi binubuwiset na naman ako, nageenjoy na ngalang ako kachat si JR tapos andami-daming side comments,nakakaburaot talaga siya minsan. Hmmm, kung hindi lang talaga ako pinalaki ni mama na may respeto sa nakakatanda at kung hindi siya ganun kalakas kayLord sinagot ko na talaga si erpat eh at malamang sinumbatan ko na naman, aba kakabigay ko lang ng limangdaan kagabi panggas, nagbigay din ako ng P150 kanina share ko dun sa parking fee. Tapos ganun pa siya....grrrr,asar talaga!
Ang nakakafrustrate kasi, alam na nga niyang "single" ako, he knows na the last 2 relationships i had werent succesful, 1st cuz im so effin stupid to hold on and the last one im so weird to let go immediately [LOL] tapos lagi pang ung status ko ang hilig niyang pagtuunan ng pansin...
Nakakaburaot talaga!
Hehe, they thought i only had 2 bfs pero 3 na sila.Puppy love lang talaga yung pinaka-una kasi naman 12 yrs old lang ata ako nun. But then the whole time that i was studying i didnt have any BFs, MU lang :) I followed every single rule, bihira gumimik, never nag-cut ng class, madalas after ng klase uwi agad, gawa ng assignment at mag-aral.Nakagraduate ng BSN pero di ko sineryoso ang Board Exam.
Nagkabf na ako nung nagttrabaho na ako, but still sunod pa din sa gusto nila...isang napakawalang kwenta ang relasyon na un, di ko talaga ma-explain sa ngaun kung paano ko nagawang tumagal ng isa't kalahating taon kay Enteng.
Kalahati ng sweldo ko binibigay ko kay Mama,pero minsan nakupit ako [kumukupit sa sarili kong pera] .
Tapos nakilala ko si Mike [na lagi ko pa ring inaalala], ok sila kay Mike kumpara kay Enteng, eh heller mas matino naman talaga siya noh. Pero dahil kumplikado ang utak ni Mike at trip ko lang umiwas sa sakit, hiniwalayan ko after 2 months...ayun namimiss ko na tuloy.
Minsan lang naiisip ko, magbebente quatro na ako,dapat nageenjoy na ako padate-date sa mall or nagrroadtrip kahit san - tulad ng ginawa namin ni Mike, nagmotor lang papuntang Tagaytay para magstarbucks [ehehe, ang sweet at ang cute nun]. Eh hindi ba dapat, may naghahatid na sakin sa trabaho at hindi ko na kailangang sumabay kay Erpat. May nasundo na sakin at kasama ko magbreakfast sa Jollibee or Mcdo or sa Starbucks or kahit saan. May kaholding-hands, kayakap at ayun.
Nakakamiss kasi yung ganung feeling. Yung alam mong may isang tao na nagmamahal sa'yo ng iba sa pagmamahal ng ibang tao.
May nagtetext sa'yo para kumain na, wag masyadong magkapagod...enjoy mo ang araw mo... sweet dreams at kung anu ano pang ka-kesohan [cheesyness!]
Yung bigla nalang tatawag sa'yo para lang sabihin na I LOVE YOU - parang si Mike lang talaga.
Kaya lang wala akong ganyan ngayon.
Buti nalang yung mga ka-team ko napapatawa ako, ayan si JR tuwang - tuwa sa kagalibuhan ko, araw araw nalang wala ng ginawa kundi magkwento ng kung anu-ano tapos pag napapaniwala na niya ako, sasabihin niyang "you're so gullible Joyce!" muhahaha.
Lagi kong katawanan yang laki sa Americang tisoy na yan. Kung hindi ko lang Boss yan, malamang ilang beses ko ng nabatukan yan eh.
Si kuya Mark, na talagang kinarir na ang pagiging Kuya para sakin, si June kakulitan ko din, si Daddy Johnny...na kahit malayo eh ramdam pa din ang presence.
Sakto naman kasi kanina,kachat ko sa peysbuk si JR ng nagtext tong si June, kinukumpirma lang kung kukuha ako ng credit card sa HSBC. so ilang beses na tumunog ang celfone ko at eto na ang sumira ng araw ko...
sabi ni erpat "sino na naman ba yang Kapreng pinagkakaabalahan mo diyan?"
ako: baket na naman?
erpat: babatuktukan kita jan eh!
Aba ewan ko kung biro niya lang yan o talagang nang-aasar siya pero obviously di ako natuwa. Di nalang ako umimik.
1st of all, hindi Kapre si June...katrabaho ko siya at isa siyang tao.
pangalawa si June ay my gi-ep at balak ng magpasakal,hehe
ikatlo - di ako abala sa boys, utak ko lang ang abala kakaisip kay hmmmmm, pero physically busy ako kakalaro ng games sa peysbuk, sa blog and anything online.
Sabi naman nila cute ako,di naman ako salbahe maldita lang...kung di naman ako ok kasama e di sana di ka-close yung mga friends ko. Di din ako selosa,medyo lang. Di din ako maarte, ako pa nga minsan bumili ng yosi ni Mike nun.LOL. nagbukas pa ng beer para sa kanya. hahaha. Ni minsan di ko siya pinigilan na uminom, ang sakin lang sigurado siyang sa bahay nila siya uuwi. Hahaha,madali naman akong kausap eh, basta may time saken...at nagagawang patunayan na mahal ako, ok na yun.
Ang hirap lang dito kay erpat, nagawa niyang mangaliwa nung nasa USA pa siya, kaya nga pagbalik niya may step bro na ako mula sa Pluto. Yun ang unang dahilan kung bakit takot din ako makipagBF,takot akong mangyare saken lahat ng ginawa niya kay Mama.
Tapos kung manglait ng BF ko at ng mga naging BF ni Lalayne akala mo kung sinong gwapo.Pwe!
He thinks that his experiences in life is good enough to set certain rules.Maybe he's thinking that he could save me from all the guys that can hurt me. Well i've learned so much from those 2 guys, no matter what we do...at kahit san naman talaga may mga Guys na tulad niya...mangloloko. Hehehe. There's no way that he can save me from them, if i have to go thru a lot of painful situation then let me be...that's the only way for me to learn and find the right guy.
Buti nalang talaga,nahilig ako sa pagbabasa ng libro ni Paulo Coelho,andami kong natutunan. Sorry Paps i think i know Men better than you do.
Matutulog na ulet ako, wala ng sense pinagsasabi ko.